Dinukot na sheriff nailigtas
June 6, 2006 | 12:00am
Ligtas na napalaya ng magkasanib na puwersa ng Philippine Marines-Government of the Philippines-Moro Islamic Liberation Front (PM-GRP-MILF) ang dinukot na court sheriff na si Palao Diamla sa kamay ng kanyang mga kidnappers.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, dinukot si Diamla, court sheriff ng branch 10 ng 12th Regional Trial Court sa Lanao del Sur, noong Mayo 31 ng grupong Magaluyan kung saan isang alyas Lininding Ramos ang utak.
Sinabi ni Sec. Bunye, sinimulang manmanan ng mga intelligence operatives at MILF ang kuta ng mga kidnappers sa barangay Tawaan, Piagapo, Lanao del Sur hanggang sa makipag-ugnayan para mapalaya ang biktima. Pinangunahan ni Lanao del Sur Vice-Gov. Bae Monera Dimakuta Macabangon ang pakikipag-negosasyon sa mga kidnappers.
Sinabi ni Diamla na may kinalaman sa Balindong election protest na dinidinig sa sala ni Judge Amen Ibrahim ang ginawang pagdukot sa kanya kung saan ay dinala siya sa Camp Ibrahim kung saan ay itinago sa loob ng 5 araw. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest