3 MOA nilagdaan ng Northrail

Tatlong memorandum of agreement ang nilagdaan ng North Luzon Railways Corporation (Northrail) kabilang ang joint venture agreement nito sa Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay Northrail president Jose Cortes Jr., ang mga nilagdaang MOA ng Northrail kahapon ay para sa pag-upa sa lupang pag-aari ng National Food Authority (NFA) sa Dalandanan, Valenzuela City upang maging depot ng mga tren ng Northrail.

Ang ikalawang MOA ay sa Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at National Housing Authority upang pagtulungang sanayin ang mga relocatees na naapektuhan ng Northrail project upang maging prayoridad na trabahador nito at ang ikatlo ay ang joint venture agreement sa PNR upang magamit ng Northrail ang right of way nito mula Caloocan City hanggang Malolos, Bulacan.

Sa nasabing seremonya ay ginanap din ang turn-over ng NFA property sa China National Machinery and Equipment Group (CNMEG) na tinanggap ng vice-president nitong si Li Shuzhin. (RAndal)

Show comments