Ipinagmamalaki ngayon ng MPD-Station 2 (Tondo) ang apat nilang mga tauhan na nagsoli ng naturang halaga na sina PO3 Monico Sumala, Insp. Eduardo Morata, PO2 Jess de Jesus at PO2 Conrado Juanio, pawang mga nakatalaga sa Dagupan police community precinct.
Labis naman ang kagalakan ng truck driver na nakawala ng pera na si Ronnie de Guzman na nabalik sa kanya ang naturang halaga na bayad sa idineliber niyang mga sako ng bigas buhat sa Nueva Ecija.
Ayon kay Insp. Morata, nagsasagawa sila ng foot patrol dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon sa may panulukan ng Dagupan St. at Claro M. Recto Avenue nang may napulot na sobre ang kanyang tauhan na si Sumala. nang kanilang buksan, nadiskubre ang limang piraso ng tseke na aabot sa P2,000,000 ang halaga at P20,000 cash.
Sa halip na matukso, nagpasya umano sila na ipagtanung-tanong sa mga may-ari ng establisimyento sa lugar kung sino ang nawawalan ng pera. Nakakatatlong pagtatanong pa lamang sila nang akuin ng isang malaking rice stall na pag-aari ng isang Fil-Chinese na sa kanila ang napulot na mga tseke at pera.
Sinabi ni de Guzman na muntik na umano siyang magtago dahil sa pagkawala ng naturang halaga na hindi niya kayang bayaran. Hindi naman umano niya alam na higit sa P2 milyon ang laman ng sobre na naka-staple wire pa dahil basta na lamang isinilid nito sa likurang bulsa ng kanyang pantalon. (Danilo Garcia)