^

Bansa

Reward system sa media killings

-
Pinaplano na ng Philippine National Police (PNP) na pairalin ang pagkakaloob ng reward system upang mapabilis ang pagresolba sa kaso ng pamamaslang sa mga mediamen sa bansa.

Ayon kay Task Force USIG Chief Deputy Director General Avelino Razon Jr., ang pagpapalabas ng pabuya ang isa sa nakikita nilang mga epektibong paraan para maresolba ang tumataas na bilang ng media killings.

Sinabi ni Razon na ang reward ay maaaring magmula sa PNP at Department of Justice (DOJ) gayundin, mula sa mga donasyon.

Aminado naman si Razon na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang pondo at kung saan sila kukuha ng pondo upang maipatupad na ang kanilang reward system.

Dahil dito, sinabi ng opisyal na bukas ang kanilang tanggapan sa sinumang may magandang loob na nais magbigay ng donasyon.

Sinabi pa ng opisyal na pursigido ang Task Force USIG na mabigyang solusyon ang mga kaso ng pagpatay sa mga mediamen kung saan ay puspusan ang pangangalap nila ng mga ebidensiya para mapanagot sa batas ang mga salarin. (Joy Cantos)

AMINADO

AYON

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

DEPARTMENT OF JUSTICE

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAZON

SINABI

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with