Pagbibitiw ni Sec. Sto. Tomas kinumpirma

Kinumpirma ng Palasyo ang napipintong pagbibitiw ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas upang magtrabaho ito sa pribadong sektor.

Ayon kay Presidential Chief of Staff Mike Defensor, dalawang taon na umanong nagpapaalam si Sec. Sto. Tomas kay Pangulong Arroyo upang magbitiw sa puwesto pero pinakiusapan lamang siya ng Pangulo na manatili habang naghahanap pa ng makakapalit nito.

Sinabi ni Sec. Defensor, nagrekomenda si Sto. Tomas ng apat na nominado para maging kapalit niya sa pamumuno sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon kay Defensor, ang mga nominadong pumalit kay Sto. Tomas ay isang justice ng Court of Appeals, isang opisyal ng DOLE at 2 pang miyembro ng Gabinete.

Wala pa namang pormal na sagot ang Pangulo sa planong pagbibitiw ni Sto. Tomas. (Lilia Tolentino)

Show comments