Sinabi ni Senate Minority leader Aquilino Pimentel Jr., nag-aalala ang mga senador na baka gamiting armas kapag naging batas ang Anti-Terrorism bill para lalong gipitin ang mga kritiko ng gobyerno at miyembro ng oposisyon para palabasin na mga banta ang mga ito sa seguridad ng bansa.
Aniya, ang Gestapo-like na pag-aresto ng ISAFP sa 5 Erap supporters na miyembro ng Union of Masses for Democracy and Justice (UMDJ) ay lalong nagbigay ng alinlangan na baka lalong tumaas ang human rights abuses kapag nagkaroon tayo ng anti-terror law.
Sa talaan ng Karapatan, isang human rights group, umaabot sa 603 aktibista ang napaslang simula noong 2001, samantala 79 na mamamahayag naman ang napatay simula 1986.
Inamin din ni Pimentel na kinakailangan ng bansa ang anti-terrorism bill subalit gagawa ng sariling version ang Senado ukol rito upang mabigyan ng proteksiyon ang karapatan ng mamamayan at hindi ito maabuso pero malabong maipasa raw ito ng Senado bago ang sine die sa darating na June 9.
"My understanding is that even the United Nations has difficult in defining terrorism, if we are unable to define terrorism, then all statements about declaring war on terrorism is just a lot of hot air because we cannot declare war on something that is ill-defined," ani Pimentel. (Rudy Andal)