Solon inatake sa puso

Isang congressman ang isinugod kahapon sa Philippine Heart Center matapos itong atakihin sa puso. Ayon sa report, halos isang oras nasa gym at nagpapapawis si Western Samar Rep. Reynaldo Uy, 54, bago ito atakihin sa loob ng kanilang bahay sa North Susana Executive Village, QC.

Ayon sa kapatid na si Conchita Uy Lo, sumailalim na ang kongresista sa heart bypass at posibleng sobrang pagkapagod kaya ito inatake.

Ayon pa kay Conchita, may history sila ng sakit sa puso at nakatakda sana silang umuwi sa kanilang lalawigan sa Samar para sa death anniversary ng kanilang ina na namatay sa sakit sa puso. Dalawang kapatid din umano ng mambabatas ang namatay dahil sa nasabing sakit.

Ayon pa sa ulat, nasa maayos nang kalagayan si Rep. Uy. (Malou Escduero)

Show comments