Erap, inilibing ang sarili
May 26, 2006 | 12:00am
Mistulang inilibing na mismo ni dating Pangulong Joseph Estrada ang kanyang sarili matapos aminin sa korte na pinirmahan niya ang Jose Velarde account.
Sinabi ni House Majority leader Prospero Nograles na mas maraming tanong pa ang lumutang matapos sabihin ni Estrada na nagsilbi lamang siyang guarantor sa pagitan ng kanyang kaibigang si Jaime Dichaves at businessman William Gatchalian.
"As guarantor, why did Erap need to use a different name?" pagtatanong ni Nograles.
Kuwestiyonable rin aniya kung bakit si Estrada ang lumagda sa mga bank documents gayong ang uutang sa bangko ay ang kanyang cronies.
Buko na aniya si Estrada sa ginawang testimonya ng mga opisyal ng bangko kaya kailangan na nitong aminin ang ginawang pagpirma bilang si Jose Velarde.
Lalo lamang aniyang nalulubog sa kumunoy ng kasinungalingan ang dating presidente. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended