^

Bansa

Pasukan gagawin nang Setyembre

-
Gagawin nang Setyembre ang pasukan sa 2007-2008 school year ito’y matapos aprubahan ng Kamara sa committee level ang isang batas na magpapalit sa school calendar.

Ayon kay Sen. Manny Villar, suportado ng mga mambabatas, mga may-ari ng paaralan at maging mga opisyal ng Department of Education ang kanyang panukala dahil tag-ulan ang buwan ng Hunyo at natatapat ito sa pagpasok ng mga bagyo.

Ani Villar, sa panahong ito ay problema ng mga estudyante ang baha at trapiko, nagkakasakit ang marami sa kanila at may naaksidente pa bunga ng mga bukas na manhole at dagliang pagtaas ng tubig-baha.

At para maprotektahan ang mga mag-aaral, pumasa sa House committee on higher education and technical education ang panukala ni Quezon City Rep. Mary Ann Susano, ang counterpart ng Senate Bill 565 na inihain naman ni Villar sa Senado.

"If these bills would be passed into law in the 13th Congress, it may be too late to be implemented for the 2006-2007 school year which would start next month already. But definitely next school year, school opening would be on September 2007," ayon sa senador. (Rudy Andal)

ANI VILLAR

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

GAGAWIN

MANNY VILLAR

MARY ANN SUSANO

QUEZON CITY REP

RUDY ANDAL

SENATE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with