Itoy matapos itanggi ng militar na nasa kanila ang mga biktima at ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang may pakana nito.
"As of this time we have no report of such arrest. I have consulted with ISAFP, theres no report that they are in their custody, even in other units," paliwanag naman ni AFP spokesman Col. Tristan Kison.
Hanggang kahapon ay wala pang balita sa kinaroroonan ng mga biktima dahilan para dumulog na ang kanilang mga pamilya sa Commission on Human rights (CHR) para imbestigahan ang pangyayari.
Batay sa report, dakong alas-3 pasado noong Lunes ng hapon ng puwersahang tangayin ng armadong mga lalaki si Virgilio Eustaquio, 47, chairman ng Union of the Masses for Democracy and Justice (UMDJ) at kilalang masugid na supporter ni Estrada.
Pinasok ang bahay niya sa #4D K 4th st., Kamuning, QC at puwersahang tinangay. Apat pang ka-miting niya ang dinukot din na sina Ruben Dionisio, Jim Cabautan, Dennis Ibona na pawang kasapi ng UMDJ at PO3 Jose Curameng, miyembro ng Special Operations Group-Police Intellience Division ng QCPD. Si Cabautan ay anak ni ret. Constabulary Col. Reynaldo Cabautan, isa sa mga retiradong opisyal na sumuporta sa presidential bid ng yumaong si Fernando Poe, Jr.
Sumigaw naman ng "political harassment" ang misis ni Eustaquio na ang layunin ay patahimikin ang mga lider ng grupo. "My husband is known to criticize the President at her every fault," ani Miriam.
Kahapon ay sumugod ang mga miyembro ng FPJ volunteers Brigade sa compound ng ISAFP upang kalampagin sa hinalang may kinalaman ito sa pagdukot kina Eustaquio.
Ang pagdukot ay naganap sa kabila ng pagtatatag ng PNP ng Task Force USIG upang imbestigahan ang pamamaslang sa mga lider aktibista at mediamen.