^

Bansa

5 Erap supporters sinalvage na?

- Nina Joy Cantos, Doris Franche At Angie Dela Cruz -
Pinangangambahan ng mga kaanak na pinatay na ang lima kataong taga-suporta ni dating Pangulong Joseph Estrada na dinukot kamakalawa ng hapon sa Kamuning, Quezon City ng tinatayang 15 armadong lalaki.

Ito’y matapos itanggi ng militar na nasa kanila ang mga biktima at ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang may pakana nito.

"As of this time we have no report of such arrest. I have consulted with ISAFP, there’s no report that they are in their custody, even in other units," paliwanag naman ni AFP spokesman Col. Tristan Kison.

Hanggang kahapon ay wala pang balita sa kinaroroonan ng mga biktima dahilan para dumulog na ang kanilang mga pamilya sa Commission on Human rights (CHR) para imbestigahan ang pangyayari.

Batay sa report, dakong alas-3 pasado noong Lunes ng hapon ng puwersahang tangayin ng armadong mga lalaki si Virgilio Eustaquio, 47, chairman ng Union of the Masses for Democracy and Justice (UMDJ) at kilalang masugid na supporter ni Estrada.

Pinasok ang bahay niya sa #4D K 4th st., Kamuning, QC at puwersahang tinangay. Apat pang ka-miting niya ang dinukot din na sina Ruben Dionisio, Jim Cabautan, Dennis Ibona na pawang kasapi ng UMDJ at PO3 Jose Curameng, miyembro ng Special Operations Group-Police Intellience Division ng QCPD. Si Cabautan ay anak ni ret. Constabulary Col. Reynaldo Cabautan, isa sa mga retiradong opisyal na sumuporta sa presidential bid ng yumaong si Fernando Poe, Jr.

Sumigaw naman ng "political harassment" ang misis ni Eustaquio na ang layunin ay patahimikin ang mga lider ng grupo. "My husband is known to criticize the President at her every fault," ani Miriam.

Kahapon ay sumugod ang mga miyembro ng FPJ volunteers Brigade sa compound ng ISAFP upang kalampagin sa hinalang may kinalaman ito sa pagdukot kina Eustaquio.

Ang pagdukot ay naganap sa kabila ng pagtatatag ng PNP ng Task Force USIG upang imbestigahan ang pamamaslang sa mga lider aktibista at mediamen.

vuukle comment

CONSTABULARY COL

DEMOCRACY AND JUSTICE

DENNIS IBONA

EUSTAQUIO

FERNANDO POE

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

JIM CABAUTAN

JOSE CURAMENG

KAMUNING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with