P31-B tatapyasin sa 2006 budget
May 23, 2006 | 12:00am
Tatapyasan ng Senado ng halos P31.11-B ang panukalang 2006 budget na isinumite ng Mababang Kapulungan na P1.035Trilyon matapos na pormal na iharap ito ni Sen. Manny Villar Jr. sa plenaryo.
Kabilang sa panukalang tatapyasan ay mga kwestyonableng proyekto ni Pangulong Arroyo kung saan nakita ng Senado na hindi na kailangan ito at ang pagtanggal sa buong pondo ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Sa panukala ni Villar ay tinanggal ang pondo para sa Kilos Asenso Support Fund (P3B), Kalayaan Barangay Program Fund (P3.69B), Compensation Adjustment Fund (P10B), pagtanggal sa buong badyet ng PCGG, (P65.53M) at ang pagtapyas ng P2.27 B mula naman sa Department of Transportation and Communication (DOTC). (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest