Villar richest, Flavier poorest sa Senado

Si Sen. Manuel Villar Jr. pa rin ang nangunguna sa pinakamayamang miyembro ng Senado na mayroong networth na P759,825,355.00 habang si Senate President Pro-Tempore Juan Flavier ang pinakamahirap na mayroong networth na P3,490,000.00.

Sa 2005 Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN) ng mga miyembro ng Senado ay pumangalawa kay Sen. Villar sa richest lawmaker si Sen. Ralph Recto na may networth na P267,388,082.13 habang ang pangatlo ay si Sen. Ramon Magsaysay Jr. na may networth na P150,810,142.94.

Ang pang-apat ay si opposition Sen. Jamby Madrigal na may networth na P114,198,475.00 sumunod si Sen. Bong Revilla Jr. na may networth na P99,446,000.00; Sen. Juan Ponce Enrile na may networth na P97,004,257.00; Sen. Jinggoy Estrada na may networth na P81,540,940.31; Sen. Mar Roxas na may networth na P75,781,315.00; Sen. Pia Cayetano na may networth na P75,371,714.45 at Sen. Miriam Defensor-Santiago na may networth na P72,050,000.00

Ang iba pang nagsumite ng kanilang SALN ay sina Sen. Sergio Osmena III (P63,221,150.00), Sen. Edgardo Angara (P36,228,376.45), Sen. Luisa Ejercito-Estrada (P32,224,241.03), Sen. Rodolfo Biazon (P25,488,000.00), Sen. Panfilo Lacson (P24,994,618.00), Sen. Richard Gordon (P24,912,953.00), Senate President Franklin Drilon (P21,031,472.79), Senate Majority Leader Francis Pangilinan (P14,322,462.00), Sen. Joker Arroyo (P11,050,000.00), Senate Majority Leader Aquilino Pimentel Jr. (P10,960,068.46).

Ang itinuturing na 3 pinakamahirap na miyembro ng Senado ay sina Sen. Lito Lapid (P10,936,554.00), Sen. Alfredo Lim (P10,850,207.00) at Sen. Flavier (P3,490,000.00). (Rudy Andal)

Show comments