^

Bansa

Mt. McKinley, ‘training ground’ ng 3 Pinay

-
Magiging "training ground" ng tatlong Pinay mountaineers ang Mt. McKinley sa North America na sinasabing pinakamalamig na bundok sa buong mundo bago tuluyang akyatin ang tuktok ng Mt. Everest sa susunod na taon.

Ang tatlong Pinay na pawang draftee ng Philippine Coast Guard (PCG) na sina Janet Belarmino, Carina Dayondon at Noelle Wenceslao ay nag-courtesy call muna noong Sabado kay PCG Commandant Rear Admiral Arthur Gosingan bago tumulak patungong Alaska para sa kanilang gagawing pagsasanay.

Apat na linggo o isang buwan nilang gagawing "training ground" ang McKinley na may lamig na -34 hanggang-57 degree celcius ang temperatura na sinasabing mas malamig pa sa Mt. Everest.

Buo ang determinasyon ng tatlo na makarating sa summit ng Everest sa susunod na taon para maghatid din ng karangalan sa bansa tulad ng natamo ng kanilang teammate sa First Philippine Mt. Everest Expedition team na sina Leo Oracion at Erwin "Pastour" Emata, una at ikalawang Pinoy na nakarating sa tuktok ng mundo at maiwagayway at maitirik ang bandila ng Pilipinas.

Ngayon pa lang ay hinihiling na ng tatlong dalagang Pinay sa sambayanan na ipagdasal rin sila na magtagumpay sa kanilang hangarin. (MLayson)

vuukle comment

CARINA DAYONDON

COMMANDANT REAR ADMIRAL ARTHUR GOSINGAN

JANET BELARMINO

LEO ORACION

MT. EVEREST

MT. EVEREST EXPEDITION

NOELLE WENCESLAO

NORTH AMERICA

PHILIPPINE COAST GUARD

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with