Ex-beauty queen kakasuhan ni Erap
May 19, 2006 | 12:00am
Kakasuhan ng multi-milyong libel case ni dating Pangulong Joseph Estrada ang ex-beauty queen na si Joelle Pelaez dahil sa pagdadawit sa kanya sa umanoy P2.9 bilyong money laundering.
Ayon kay Didagen Dilangalen, spokesman ni Estrada, ang expose ni Pelaez ay para sirain ang testimonya ng dating pangulo sa darating na Miyerkules.
Timing anya dahil money laundering ang tatalakayin sa pagdinig.
Pinabulaanan ni Erap na inalok niya ng P50-M halaga ng condo si Pelaez at hindi rin anya niya ito inalok maging kabit.
Si Atty. Rene Saguisag ang naatasan na maghanda ng reklamo laban kay Pelaez habang ihahain naman ni Atty. Leonardo Siguion-Reyna ng Siguion-Reyna, Montecillo and Ongsiako Law Office ng parehong kaso sa Amerika laban kay Pelaez na kasalukuyang naninirahan sa Los Angeles.
Una nang sinabi ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na si Pelaez ang paboritong kasama ni Estrada sa kanyang pagma-mahjong.
Ipinakita pa ni Chavit ang kopya ng isang tseke na diumanoy ibinalato ni Estrada kay Pelaez noong minsang manalo ito sa mahjong. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest