^

Bansa

Hit squad ng NPA nasa MM na; GMA, Cabinet member target!

- Doris Franche-Borja -
Nasa Metro Manila na umano ang hit squad ng New People’s Army (NPA) at ang target ay iligpit si Pangulong Arroyo at ang isang Cabinet member.

Ayon kay National Security Adviser Norberto Gonzales, founding-chairman ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), ang "special team" ay binuo mismo ni Jose Ma. Sison sa tulong umano ng oposisyon.

"The communist and some opposition leaders have no option left to bring down the government but to kill the President to attain their political objective," sabi ni Gonzales sa press briefing sa Rembrandt Hotel sa Quezon City.

Nakakalat na umano sa bansa ang hit squad kung saan naghahanap na lamang ng tamang pagkakataon upang isagawa ang plano. Tumanggi naman si Gonzales na pangalanan ang miyembro ng Gabinete na nasa hit list, subalit hinala ng ilan ay si Justice Sec. Raul Gonzalez ito.

Tukoy na umano ng gobyerno ang ilan sa mga personalidad na sangkot sa kill plot at gumawa na rin ng kaukulang paghahanda para sa kaligtasan ng Pangulo at iba pang opisyal ng pamahalaan.

"Sila yung nangako sa mga NPA na tulungan silang pabagsakin si PGMA at ang kapalit nito ay pwesto sa gobyerno kapag sila ay nanalo," sabi ni Gonzales.

"Mula pa noong panahon ni Pangulong Arroyo, tumutulong na sila pero sa tuwing nagtatagumpay ang opposition hindi sila nabibigyan ng pwesto. Sa puntong ito gusto nilang manigurado kaya pinapaalala nila sa opposition na huwag n’yo kami kakaliwain," dagdag pa ni Gonzales.

Samantala, sinabi ni Gonzales na ang plano ay tuluyang pabagsakin ang pamahalaan ni Gloria kaya’t matinding seguridad ang pinaghahandaan upang pigilan ang assassination at destabilisasyon.

GONZALES

JOSE MA

JUSTICE SEC

NASA METRO MANILA

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

NEW PEOPLE

PANGULONG ARROYO

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with