Nag-ugat ang kaso nang magsumite si Atty. Francisco ng pagtutol sa Judicial and Bar Council laban sa pagnomina kay Velasco bilang miyembro ng SC.
Sa sulat na ipinadala ni Francisco kay dating SC Chief Justice Hilario Davide Jr., napuwersa siyang magbitiw bilang acting Judge dahil sa patuloy na nararanasang "harassment" mula sa mga opisyales ng SC makaraang kuwestyunin niya ang pagkaka-rehistro ng "title" ng RTC Biñan Branch 25 sa 1.5 hectare river bed sa Cabuyao, Laguna sa pangalan ng Science Park of the Philippines, Inc., na ang pangunahing stockholder ay isang Elena Lim.
Ngunit lumalabas na narehistro lamang ang naturang titulo nang umakto si Francisco bilang Huwes sa RTC Branch 25, bukod pa sa binigyang halaga rin niya ang argumento ng mga estudyante ng Bantay Katarungan at ilantad ang mga katiwalian sa annexation ng river bed upang gawing industrial estate ng Science park.
Subalit nakitaan ni Velasco na may malisya ang ginawang letter ni Francisco laban sa kanya dahil bukod tangi siya lamang ang idiniin sa sulat kay Davide gayong nominado rin sina ex-Solicitor General Alfredo Benipayo at Justice Rodrigo Cosico.
Sa panig ni Francisco, sinabi nito na handa siyang sumailalim sa isang preliminary investigation sa kondisyong ang lahat ng kanyang sulat kasama ang Annexes A hanggang SSS-1 ay dapat labas sa gagawing imbestigasyon sa piskalya ng Maynila. (Gemma Amargo-Garcia)