Pirma sa Peoples initiative sinertipikahan na ng Comelec
May 18, 2006 | 12:00am
Naberipika at nasertipikahan na ng Comelec bilang balido ang bilang ng pirma na kailangan para sa Peoples Initiative sa 192 out of 213 legislative districts nationwide, dalawang buwan pagkaraan na ilunsad ang kampanya para makakalap ng suporta para maamyendahan ang 1987 Charter.
Sa press conference kahapon, inihayag ng Sigaw ng Bayan coalition na ang kanilang plano ay palakasin pa ang kanilang partnership sa local officials sa pagtulak sa panukalang parliamentary govt. sa grassroot level, para maipaliwanag ng mabuti sa masa ang isyu sa pagsagawa ng plebisito sa Charter change.
"The verified signatures in 192 districts, already represent close to 90% of the total number of legislative districts in the country," sabi ni Sigaw ng Bayan spokesman Atty. Raul Lambino sa press conference sa Rembrandt Hotel sa QC.
Aniya, ang local election officials sa mga nabanggit na distrito ay nag-isyu na ng sertipikasyon na nagpapatunay sa mga pirma na isasama sa petisyon para sa Peoples Initiative sa paghain sa Comelec en banc. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended