Overstaying na ex-generals lalayas na sa Ft. Bonifacio
May 17, 2006 | 12:00am
Boluntaryo nang lilisanin ng dalawang overstaying na retiradong opisyal ng Navy ang kanilang mga quarters sa Fort Bonifacio, Makati City bunsod na rin ng ibinigay na ultimatum sa kanila.
Ayon kina ret. Navy chief Vice Admiral Victor Hingco at ret. Vice Admiral Ernesto de Leon, hindi na sila kailangan pang gamitan ng puwersa ng kanilang successor na si Navy Chief Vice Admiral Mateo Mayuga dahil willing silang umalis. Ang dalawa ay kabilang sa 56 retired officers na binigyan ng eviction notice dahil sa pagiging overstaying.
Una rito, nagbigay ng anim na araw na palugit o hanggang Sabado si Mayuga para umalis sa kanilang mga quarters at kung hindi ay palalayasin sila ng sapilitan. Dahil sa kanilang pananatili ay walang magamit ang mga aktibo nilang opisyal na napipilitang rumenta ng apartment. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest