^

Bansa

Rebelyon vs Batasan 5, Honasan tuloy

-
Sa kabila ng naunang pagbasura, tuloy na naman ang kasong rebelyon laban sa 46 na personalidad kabilang si dating Senador Gregorio "Gringo" Honasan at limang partylist representative o ang tinaguriang Batasan 5.

Ito’y matapos na i-ruffle kahapon ng Makati City Regional Trial Court (RTC) ang kaso na napunta sa panibagong hukom na siyang lilitis sa asuntong ito.

Si Judge Renato Quilala ng Branch 57 ng Makati RTC ang bagong huwes na hahawak sa pagdinig ng kasong rebelyon na muling isinampa laban kina Honasan, Partylist Representatives Satur Ocampo, Liza Maza, Teodoro Casiño, Rafael Mariano at Joel Virador, Communist Party of the Philippines-New People’ s Army (CPP-NPA ) Founding Chairman Jose Ma. Sison, mga rebeldeng sundalo atbp.

Gayunman, sinabi ni Atty. Jose Diokno, legal counsel ng mga akusado na igigiit nila na itigil ang pag-ruffle sa kasong rebelyon laban sa mga nabanggit.

Sinabi ni Diokno na may nakabimbing kaso na isinampa sa Supreme Court na dapat ay resolbahin muna subali’t itinuloy pa rin ang pag-ruffle sa kasong rebelyon ng mga akusado sa sala ni Quilala.

Magugunita na naunang ibinasura ni Judge Jenny Lind Delorino ng Branch 137 ng Makati City RTC noong nakaraang linggo ang naturang kaso laban kina Honasan.

Naniniwala naman ang mga abogado ng mga akusado na posibleng mabalewala ang kasong rebelyon laban sa kanilang mga kliyente. (Lordeth Bonilla)

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

FOUNDING CHAIRMAN JOSE MA

HONASAN

JOEL VIRADOR

JOSE DIOKNO

JUDGE JENNY LIND DELORINO

LIZA MAZA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with