^

Bansa

Pagbebenta ng sweeps ticket OK sa mga pulis

-
Sinuportahan kahapon ng mayorya sa mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang pagbebenta ng mga ticket para sa special draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Taliwas sa ulat na tutol ang Manila Police District (MPD) sa proyektong ito ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao, nilinaw ni Sr. Supt. Rolando Miranda, bagong talagang Station 5 Commander ng MPD na hindi nagsisipag-aklas ang mga opisyal at miyembro ng Manila’s Finest tulad ng mga alingasngas dahilan kung tutuusin ay maraming benepisyo sa kanilang hanay ang makukuha sa pagbebenta ng ticket.

Ikinatwiran ni Miranda na hindi umano puwersahan ang pagbebenta ng mga ticket at tuwang-tuwa pa ang mga pulis-Maynila na tumulong sa proyekto.

Maging ang mga pulis sa mga probinsya at rehiyon ay tuwang-tuwa rin sa pagsuporta sa proyekto ng PNP chief.

Ang kikitain sa pagbebenta ng ticket ay gagamitin para sa modernisasyon ng mga himpilan ng pulisya at support units nito sa buong bansa .

Napag-alaman na ang bawat isang PCSO booklet ay may 50 tickets na nagkakahalaga ng P500 na ibinebenta sa halagang P10 bawat isa. Ang draw ay sa Hunyo 25. (Joy Cantos)

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

HUNYO

IKINATWIRAN

JOY CANTOS

MANILA POLICE DISTRICT

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROLANDO MIRANDA

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with