Sa nakalap na impormasyon ng media mula sa Palasyo, nitong Sabado ay pinalawig ni Pangulong Arroyo ang term of office ni Mantaring at hindi na OIC kundi acting director. Kung magiging maganda ang performance nito, posibleng masungkit na nito ang permanenteng puwesto.
Magugunitang noong Nob. 23, 2005 ay inatake ng hemorrhagic stroke si Wycoco at namatay matapos ang halos isang buwang pagka-comatose sa Manila Doctors Hospital.Mula noon ay si Mantaring, dating deputy director, ang itinalagang OIC.
Bukod kay Mantaring, si PNP chief Gen. Arturo Lomibao ang napipisil umanong ipuwesto bilang kapalit ni Wycoco subalit mukhang hindi na umano interesado si Lomibao. Sa halip, nais ng huli na mabigyan na lamang siya ng extension ng Pangulo bilang hepe ng PNP. Si Lomibao ay nakatakdang magretiro sa darating na Hulyo. (Ludy Bermudo)