^

Bansa

Batasan 5, tiyak nang balik kalaboso

-
Matapos ang ginawang pagbisita sa Saudi Arabia kasama si Pangulong Arroyo, tiniyak ni National Security Adviser Norberto Gonzales na balik-kalaboso ang Batasan 5 kaya walang dapat na ipagsaya ang mga ito.

Ayon kay Gonzales, handa na ang bagong kasong rebelyon laban sa mga party-list representative na umano’y mga komunista kasabay ng pahayag na mas malakas ang kaso ng gobyerno laban sa mga ito. Sinabi ni Gonzales na hawak nila ang ebidensiya na magpapatunay na aktibo ang mga Batasan 5 bilang mga opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army na nagsusulong ng armadong rebelyon laban sa gobyerno.

Gayunman, tiniyak din ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas na maaari pa ring muling arestuhin ang Batasan 5 kahit walang warrant of arrest.

Ito ayon kay Atty. Jose Ricafrente ay bunsod na rin ng kasong rebelyon na nakasampa laban sa limang mambabatas dahil ang kasong rebelyon ay itinuturing na "continuous crime" na kahit na tulog ang isang rebelde ay itinuturing pa rin siyang rebelde.

Bunga nito, sinabi ni Ricafrente na walang dapat na ipagyabang ang Batasan 5 dahil malaking krimen ang kanilang kinakaharap at maaari silang arestuhin anumang oras. (Doris Franche)

AYON

BATASAN

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

DORIS FRANCHE

GONZALES

JOSE RICAFRENTE

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

PANGULONG ARROYO

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with