Bayan Muna sec-gen, mister inutas!
May 12, 2006 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang secretary general ng militanteng grupong Bayan Muna at mister nito habang naghahapunan ang mag-asawa nitong Miyerkules ng gabi sa Echague, Isabela.
Dead-on-the-spot sina Elena Mendiola, 54, sec-gen ng Bayan Muna-Isabela at asawang si Ricardo Balauag, 62, na miyembro rin ng nasabing grupo na kapwa tinadtad ng bala ng M14 at M16 ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Bgy. Garit Sur.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi kamakalawa ay nasa kubo nang isang nagngangalang Rudy Corpuz ang mag-asawa kasama ang lima pang katao at masayang nagkukuwentuhan habang naghahapunan.
Bigla na lamang lumitaw ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at naka-bonnet at tinarget ang mag-asawa. Hindi naman idinamay ang lima pa.
Una rito ay pinagtangkaan na ring patayin si Mendiola noong umaga ng Marso 10, 2006 habang ito ay nagwawalis sa labas ng kanilang tahanan subalit himala itong hindi tinamaan ng bala at mabilis na nakapagtago sa loob ng kanyang bahay.
Sa naturang pag-ambush, buong tapang na inihayag ni Mendiola na malaki ang kanyang hinala na militar ang may pakana para siya ay ipaligpit dahil mainit umano sa kanilang hanay ang gobyerno.
Sa pahayag naman kahapon ni Maj. Victor Tanggawohn Jr., tagapagsalita ng 5th Infantry Division na nakabase sa Camp Melchor dela Cruz Upi, Gamu Isabela, itinanggi nito na may kinalaman ang militar sa nasabing pamamaril dahil kailan man ay hindi ito gawain ng isang sundalo.
"Hindi totoong may kinalaman ang militar sa insidente, dahil hindi namin sila itinuturing na kaaway ng lipunan, maaring sila rin lang ang nagsakripisyo sa kanilang kasamahan pagkatapos ay isisisi nila ito sa militar upang makakuha ng simpatiya sa taong bayan," paliwanag ni Tanggawohn.
Sa tala ng Bayan Muna, umaabot na sa 91 ang napapatay na militante simula ng maupo si Arroyo noong 2001.
Isang malalimang imbestigasyon na ang isinasagawa laban sa mga salarin.
Samantala, kinondena naman ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ang pagkakapatay sa secretary-general ng kanilang partido at sa asawa nito.
"Our enemies have become desperate. An indication is their vicious plan to destroy our party and the whole progressive movement, terrorize our members and supporters, and to put a halt our campaign to oust President Arroyo," ani Ocampo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended