Stewardess pinakukulong ng SC
May 9, 2006 | 12:00am
Pinaboran ng Korte Suprema na makulong ng 8-12 taon ang isang flight stewardess matapos mapatunayang lumabag ito sa Tariff and Customs Code sa pagpupuslit ng alahas.
Batay sa 37-pahinang desisyon ng SC, pinaboran nito ang desisyon ng Pasay City-Regional Trial Court na makulong si Maribel Jardeleza, flight stewardess ng Philippine Air Lines (PAL) ng 8 hanggang 12 taon dahil sa paglabag sa section 3601 at 3602 ng Tariff and Customs code.
Nahuli si Jardeleza ni Customs examiner Estelita Nario na nagtatago ng mga alahas na tangkang ipuslit na hindi nagbabayad ng sapat na buwis.
Sinampahan ng kaso ng Legal and Investigation Staff ng NAIA si Jardeleza sa Pasay City-RTC dahil intensyon nitong ipuslit ang mga alahas na kinatigan naman ng High Tribunal. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am