Sinabi ng Hari, isang malaking karangalan sa kanyang pamahalaan at mamamayan ng Saudi Arabia ang pagbisita ni Pangulong Arroyo.
"The Saudi government and my people want to thank you for visiting our country. I hope in your next visit you will stay longer," wika pa ng Hari kay PGMA.
Nagkaroon ng bilateral talks sina PGMA at King Abdullah kasunod ang state dinner na handog ng kaharian kay Pangulong Arroyo at delegasyon nito.
Pangunahing pakay ni PGMA sa mga opisyal ng Saudi Arabia ay ang pagkakaroon ng bansa ng sapat na suplay ng langis at ang inaasintang observer status ng Pilipinas sa Organization of Islamic Conference (OIC). (Lilia Tolentino)