^

Bansa

Buntis bawal kutyain habang nanganganak

-
Bawal murahin, laitin at pangaralan ng mga hospital personnel ang mga misis habang sila’y nanganganak.

Ito’y sa sandaling maipasa ang House Bill 3744 o "Empowerment of Women in Vulnerable Situations Act of 2005" ni Cebu Rep. Nerissa Corazon Soon-Ruiz.

Ayon kay Rep. Soon-Ruiz, mas nae-expose sa verbal at psychological abuse ang mga mahihirap na buntis na pinapangaralan pa na animo’y mga bata ng mga hospital personnel sa tuwing sila’y manganganak partikular na sa mga ospital ng gobyerno.

Dahil dito kaya mas nagiging mahirap aniya sa mga babae ang pagbubuntis at panganganak.

Ibinunyag ni Dr. Junice Melgar, executive director ng Likhaan (Linangan ng Kababaihan, Inc.) sa mga nakaraang pagdinig ng House committee on women na mataas ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan sa mga institusyon katulad ng orphanages, shelters para sa mga dalagang ina, bilangguan o detention centers at home for the aged at refugee centers.

Ayon naman kay Ana Maria Nemenzo, national coordinator ng Woman Health Philippines, natuklasan nila sa kanilang mga pag-aaral na ang mga discriminatory attitude ng mga clinic personnel ang pangunahing dahilan kung bakit nagdadalawang-isip magpa-checkup sa mga health clinics ang mga kababaihan kahit malapit ang mga ito sa kanilang tahanan. (Malou Escudero)

ANA MARIA NEMENZO

AYON

CEBU REP

DR. JUNICE MELGAR

EMPOWERMENT OF WOMEN

HOUSE BILL

MALOU ESCUDERO

NERISSA CORAZON SOON-RUIZ

VULNERABLE SITUATIONS ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with