Sports Fitness Expo, itinakda

Batay sa pag-aaral ng mga eksperto sa kalusugan, ang regular na page-ehersisyo ang mabisang paraan upang mapanatiling malusog ang katawan ng bawat tao at upang makaiwas sa mga nakakamatay na sakit tulad ng diabetes, obesity, cancer, hypertension, heart diseases at marami pang iba.

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa "The 2nd Chris Sports Fitness Expo" sa May 11, 12, at 13, 2006, SM Megamall Atrium Building A, at magkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng inyong sariling fitness equipment para sa inyong buong pamilya. Ito ay tatampukan ng mall adventure race, arm wrestling, fitness challenge, mixed martial arts, power lifting, speed climbing, boxing, wall climbing, basketball throws, group exercise, taekwondo demo, weight training at fitness equipment trials.

Pangungunahan ng hunk TV host na si Marc Nelson ang fitness equipment trials. Kabilang sa mga equipment ay ang Tony Little’s Gazelle Edge Glider, isang revolutionary total body workout at Questor Station bike na madali at safe gamitin at mabibili sa lahat ng Chris Sports house. Para sa inyong katanungan, tumawag sa Tel. #363-0423, cel# 0922-8133537.

Show comments