Rebelyon vs Gringo, Batasan 5 ibinasura
May 5, 2006 | 12:00am
Ibinasura kahapon ng Makati City Regional Trial Court ang kasong rebelyon na isinampa laban sa tinaguriang Batasan 5, dating Senador Gringo Honasan, ilang sundalo at miyembro ng CPP-NPA.
Sa 20-pahinang resolusyon ni Judge Jenny Delorino ng Branch 137, nakasaad dito na ang isinampang kaso laban sa 47 personalidad ay hindi matatawag na amended information kundi panibagong complaint.
Sa original complaint, ang kinasuhan lamang ng rebelyon ay sina Anak Pawis Rep. Crispin Beltran at 1stLt. Lorens San Juan kaya kina Beltran at San Juan lamang natuloy ang kasong rebelyon.
Ngunit nakasaad pa rin sa desisyon ng naturang hukom na binibigyan niya ng 15-araw na taning ang DOJ para magsampa ito ng motion for reconsideration.
Maaari rin aniyang umapela ito sa Court of Appeals at Supreme Court o di kaya magsampa ito ng panibagong reklamo laban sa nabanggit na mga personalidad.
Gayunman, kahit pa binasura ang kasong rebelyon kay Honasan, hindi pa rin siya ligtas dahil may kasong kudeta itong kinakaharap sa sala ni Judge Oscar Pimentel ng Branch 148.
Si Honasan ay may patong sa ulo ng P5 milyon. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended