^

Bansa

Pinay pinutol ang ari ng among Arabo

-
Isang Pinay ang inaresto ng Saudi Police matapos putulin ang ari ng kanyang among Arabo na nagtangkang gumahasa sa kanya sa Riyadh.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nanlaban ang 38-anyos na Pinay na hindi muna binanggit ang pangalan, matapos umanong gapangin ng kanyang amo habang natutulog.

Ayon sa report, natunugan ng Pinay na may gagawing masama sa kanya ang amo dahil sa tuwing wala umano ang misis ng suspek ay masama at malagkit ang tingin nito sa kanya.

Posible umanong pinaghandaan ng biktima ang maaaring gawin sa kanya kaya sa tuwing matutulog ay may katabi itong kitchen knife sa higaan.

Sinasabi sa report na habang natutulog ang biktima ay pinasok siya ng amo na hubu’t hubad na. Noong una ay inakala umano ng suspek na nagpaubaya ang biktima ngunit lingid sa Arabo ay unti-unting kinukuha ng biktima ang patalim hanggang sa putulin ng biktima ang ari ng suspek.

Nagawa pang magtatakbo ng Arabo at naiwan ang kaputol ng kanyang ari. Muli naman naikabit ng mga doktor sa Riyadh Hospital ang putol na ari habang hinuli ng mga pulis ang Pinay.

Tiniyak naman ni Foreign Affairs spokesman Gilbert Asuque na tutulungan nilang mapawalang-sala at mailabas ng kulungan ang Pinay dahil "self-defense’ lamang ang ginawa nito.

Samantala, nakatakdang tumulak sa darating na Mayo 7 patungong Saudi si Pangulong Arroyo upang personal na makipag-usap sa Hari ng Saudi at makipag-talakayan kung paano mareresolba ang problema ukol sa pagtaas ng presyo ng langis na tumama sa merkado.

Posible ring samantalahing ilapit ng Pangulo ang kaso ng mga Pinoy na nahaharap sa mga kaso sa Saudi kabilang na ang sinapit ng naturang Pinay na namutol ng ari. (Ellen Fernando at Mer Layson)

vuukle comment

ARABO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS

GILBERT ASUQUE

ISANG PINAY

MER LAYSON

PANGULONG ARROYO

PINAY

POSIBLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with