Rapist sa PCGA pinasisibak
May 2, 2006 | 12:00am
Isang German national ang pinasisibak ng Advocate for the Protection and Welfare of Children mula sa hanay ng Philippine Coast Guard Auxillary (PCGA) dahil umano sa pagiging rapist ng mga kabataan at pagiging undesirable alien.
Ayon kay Mark Barican, pangulo ng APWC, magiging kasiraan sa buong hanay ng PCG kung mananatiling miyembro ng PCG Auxillary si Michael Johanas Heinen, 62 anyos.
Sinabi ni Barican, nagpakilala umanong kapitan ng PCGA si Heinen at palaging nakasuot ng kanyang uniporme para magmukhang kagalang-galang sa menor de edad nitong target na molestiyahin.
Hiniling din ni Barican sa Bureau of Immigration na agarang ipatapon palabas ng bansa si Heinen upang hindi na ito muling makapambiktima ng mga kabataan.
Sinabi naman ni Engr. Ben Lorque ng Profound Master Training Center na may ilang tiwaling opisyal ng pamahalaan ang nagbibigay umano ng proteksyon kay Heinen na minsan ay nagpapakilang investor din.
Inaresto ang German national sa kasong rape at child abuse noong 1997 at nitong Abril 4 ay nagpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa dayuhan. (Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am