^

Bansa

4 Kano pasisiputin sa arraignment ngayon

-
Nagbigay ng ‘assurance’ si US Ambassador to the Philippines Kristie Kenney sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DOJ) na pasisiputin niya ang apat na US Marines sa ‘arraignment’ ng kanilang kasong rape ngayong araw na ito sa Makati Regional Trial Court.

Ito ay kasunod ng banta kahapon ng DFA at DOJ na ipapaaresto nila at ililipat ng kustodiya ang apat na sundalo sa oras na hindi sumipot.

Ayon kay DFA Secretary Alberto Romulo, mahalaga sa mga akusadong sina Lance Corporals Daniel Smith, Keith Silkwood, Dominic Duplantis at Staff Sgt. Chad Carpentier ang paghahayag nila ng ‘plea’ sa kinakaharap na kaso.

Sinabi ni Romulo, dapat alalahanin ng apat na US Marines na kaya lamang sila nananatili ngayon sa kandili ng US Embassy ay bunsod lamang ng kondisyon sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Magsisilbing kauna-unahan ang paglutang sa publiko ng apat mula noong sila ay akusahan at ipagharap ng demanda ng isang 22-anyos na Pinay na umano’y kanilang ginahasa sa Subic Bay, Olongapo City noong Nob. 1, 2005.

Sa original na ‘draft’ ng kaso ng anim ang mga akusado kabilang sina Corey Burris at van driver na si Albert Lara ngunit ngayon ay lumilitaw na si Smith na lamang ang principal suspect habang ‘accessories to the crime’ na lamang ang iba. (Mer Layson)

ALBERT LARA

CHAD CARPENTIER

COREY BURRIS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOMINIC DUPLANTIS

KEITH SILKWOOD

LANCE CORPORALS DANIEL SMITH

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

MER LAYSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with