Huling rollback sa LPG
April 27, 2006 | 12:00am
Muli na namang ibinaba ng Liquified Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) ng 50 sentimos kada kilo o kabuuang P5.50 kada 11kg tangke ang presyo ng kanilang LPG, ang huling rollback na ipatutupad ng grupo ngayong madaling-araw.
"Posibleng ito na ang huling rollback na maibibigay ng LPGMA dahil inaasahang tataas ang contact price nito sa pagpasok ng buwan ng Mayo", pahayag ni LPGMA president Arnel Ty.
Dagdag pa ni Ty na malaki ang magiging epekto ng panibagong pagtaas ng presyo ng LPG sa world market dahil kailangan umano nilang magtaas ng P1.50 kada kilo sa buwan ng Mayo.
Matatandaang noong Disyembre 2005 ay lumobo sa mahigit sa P500 ang presyo ng kada tangke ng LPG, subalit dahil sa pagbaba ng contact price nito ay sunud-sunod na rollback ang ipinatupad ng LPGMA kung saan bumaba ito ng mahigit P100 kada tangke. Wala pang anunsiyo ang malalaking kompanya ng langis kung susunod sila sa kaparehong rollback. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended