Ayon kay Energy Director for Oil Industry Management Bureau Zenaida Monsada, hanggang wala pang linaw sa nagaganap na tensyon sa pagitan ng Iran at US ay siguradong bubulusok pataas ang presyo ng petrolyo.
Tiniyak ni Monsada na pipigilan ng pamahalaan ang anumang fare increase dahil na rin sa epekto nito sa services at basic commodities. Magpapatupad din ng mga measures ang DOE upang hindi umabot sa P35 level ang presyo ng diesel.
Tinukoy ni Monsada ang suspension ng Reformed Value Added Tax (RVAT) bilang isa sa mitigation measures kung umakyat na sa P50 level ang presyo ng langis. Aniya, sa ganitong sitwasyon umano ay kailangan nang suspindihin pansamantala ng pamahalaan ang RVAT upang maiwasan pa ang matinding epekto sa ekonomiya. (Edwin Balasa)