^

Bansa

Krudo papalo ng P50 kada litro

-
Posibleng umakyat sa halagang P50 kada litro ang presyo ng krudo sa loob ng susunod na tatlo hanggang anim na buwan subalit tiniyak nila na walang magaganap na fare hike upang maiwasan ang domino effect sakaling mangyari ito.

Ayon kay Energy Director for Oil Industry Management Bureau Zenaida Monsada, hanggang wala pang linaw sa nagaganap na tensyon sa pagitan ng Iran at US ay siguradong bubulusok pataas ang presyo ng petrolyo.

Tiniyak ni Monsada na pipigilan ng pamahalaan ang anumang fare increase dahil na rin sa epekto nito sa services at basic commodities. Magpapatupad din ng mga measures ang DOE upang hindi umabot sa P35 level ang presyo ng diesel.

Tinukoy ni Monsada ang suspension ng Reformed Value Added Tax (RVAT) bilang isa sa mitigation measures kung umakyat na sa P50 level ang presyo ng langis. Aniya, sa ganitong sitwasyon umano ay kailangan nang suspindihin pansamantala ng pamahalaan ang RVAT upang maiwasan pa ang matinding epekto sa ekonomiya. (Edwin Balasa)

ANIYA

AYON

EDWIN BALASA

ENERGY DIRECTOR

MAGPAPATUPAD

MONSADA

OIL INDUSTRY MANAGEMENT BUREAU ZENAIDA MONSADA

POSIBLENG

REFORMED VALUE ADDED TAX

TINIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with