^

Bansa

Batasan-5, 43 pa kinasuhan

-
Isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa Makati-Regional Trial Court ang kasong rebelyon laban sa tinaguriang Batasan-5, dating Sen. Gringo Honasan, apat na Magdalo soldiers at ilang matataas na opisyal ng New Peoples Army (NPA) kaugnay ng tangkang pagpapabagsak sa Arroyo government.

Ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang naging complainant sa kasong inihain nito sa DOJ noong Feb. 27. 2006.

Ayon sa prosecution panel, may sapat na basehan upang isampa ang kasong rebelyon laban kina Bayan Muna Representatives Satur Ocampo, Teddy Casiño, Joel Virador, Anak-pawis Rep. Crispin Beltran, Rafael Mariano, Gabriela Party-list Rep. Liza Maza at dating Sen. Honasan.

Kasama din sa sinampahan ng kaso ay sina CPP-NPA founding chairman Jose Maria Sison, Gregorio Rosal at Luis Jalandoni, Benito Tiamzon, Wilma Tiamzon, Fidel Agcaoili, Nathaniel Santiago, Sotero Llamas, Allan Jazminez, Rafael Baylosis, Leo Velasco, Tita Lubid at Vicente Ladlad ng National Democratic Front.

Kinasuhan din sina B/Gen. Jake Malajacan (Ret.), Magdalo soldiers 1st Lt. Lawrence San Juan, 1st Lt. Patricio Bumindang at Atty. Christopher Belmonte.

Inirekomenda naman ng DOJ na imbestigahan sina B/Gen. Danilo Lim at Ltsg. Antonio Trillanes IV sa posibleng pakikipagsabwatan sa mga aktibidad ng nasabing mga personalidad.

Ayon sa DOJ, maituturing na legal front lamang ng CPP-NPA ang mga party-list group na Bayan-Muna, Anak-pawis, Gabriela at iba pang organisasyon.

Binigyan din ng merito ng DOJ ang naging testimonya ng witness na si Jaime Fuentes na umano’y aide ni Ladlad kung saan sinabing madalas daw nitong makita ang Batasan-6 na kapulong ng kanyang amo na lider ng NDF.

Hindi naman pipigilan ng liderato ng Kamara ang pag-aresto sa miyembro ng Batasan-5 kapag mayroong ipinalabas na warrant of arrest ang korte. (Grace Amargo-Dela Cruz at Malou Escudero)

ALLAN JAZMINEZ

ANAK

ANTONIO TRILLANES

AYON

BATASAN

BAYAN MUNA REPRESENTATIVES SATUR OCAMPO

BENITO TIAMZON

CHRISTOPHER BELMONTE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRISPIN BELTRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with