Sa kautusan ng Pangulo, dapat na magsaliksik at mag-implementa ang DOE at Gabinete ng posibleng pagbabawas sa taripa sa pangunahing petroleum products, bumalangkas ng "energy conservation program" at ibayong paghihigpit ng sinturon o pagtitipid.
"I have tasked the entire Cabinet with the Department of Energy at the lead to mount an intensified search and implementation at alternative and renewal sources effect the possible reduction of tariffs on basic petroleum product and carry out stringent conservation programs and belt-tightening measures," sabi ng Pangulo.
Nanawagan ang Pangulo sa mga "transport groups" na unang tinatamaan sa oil price hike na humupa sa anumang planong Metrowide strike na hindi makakatulong sa pagresolba sa problema.
Niliwanag ng Pangulo na dapat na intindihin ng mga transport groups ang sitwasyon dahil hindi lamang ang Pilipinas ang apektado nito kundi buong mundo bunga na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa international market.
Nakatakdang humirit ng P1.50 dagdag pasahe ang transportasyon dahil sa lingguhang taas-krudo.
Hiniling na rin ng Pangulo sa Kongreso na muling rebisahin o tingnan ang lahat ng panukalang batas na may kaugnayan sa enerhiya upang magawan ng solusyon ang krisis sa langis.
"I assure that all social, economic, political and diplomatic means are being undertaken to protect the interest of the people. (Ellen Fernando)