BIR director inasunto sa tagong yaman
April 23, 2006 | 12:00am
Kinasuhan ng Department of Finance (DOF) sa tanggapan ng Ombudsman ang isang regional director ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa unexplained wealth na umabot ng P20 milyon na hindi tumutugma sa legal na sahod nito sa posisyon sa nabanggit na ahensiya.
Si Mama Bae Marzoc, nakatalaga sa Revenue Region 18 Cotabato City ay nadiskubreng nagmamay-ari ng 13 prime properties na nakarehistro sa kanyang pangalan na kinabibilangan ng tatlong multi-milyong mansion, isang 5-door apartment building sa Cotabato City at undeclared properties sa Marawi City.
Nagkakahalaga umano ng P5 milyon ang mansion sa Bagua, Cotabato City na nakarehistro kay Marzoc noong Pebrero 2002 at P4 milyon na 2-storey mansion sa Marawi City.
May halaga namang P3 milyon ang isa pang mansion nito sa Bario Kakar, Cotabato City subalit naideklara lamang ito ni Marzoc na may market value na P12,000.
Sa kabuuan, may total network assets si Marzoc na P15 milyon hanggang P20 milyon sa kabila na ang mga ari-arian nito ay undervalued ng mahigit 70% ng fair market value nito.
Idineklara naman ni Marzoc na may total assets siyang P2,582,860.98 noong taong 2003. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest