^

Bansa

Serbisyo Muna ni GMA naglingkod sa Batasan Hills

-
Humigit-kumulang sa 5,000 residente ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal, dental at optikal makaraang dumayo ang Sebisyo Muna Caravan ni Pangulong Arroyo sa Barangay Batasan Hills, Quezon City

Ang Serbisyo Muna Caravan ay isang buong-araw na paglilingkod ng mga pangunahing ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga partisipante buhat sa iba’t ibang sektor.

Kasama ng Pangulo sa Caravan sina PAGCOR Chairman Efraim Genuino, ang overall project coordinator ng Serbisyo Muna; QC Mayor Sonny Belmonte, Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar; PNP-NCRPO Director Gen. Vidal Querol at Berna Romulo-Puyat, pinuno ng Office for Political and Coalition Affairs.

Pinangunahan ng Pangulo ang pagkakaloob ng mga lisensiya sa 21 barangay ng lungsod para makapagbukas ng Botika ng Barangay outlets at makapangasiwa ng mga sangay ng Tindahan Natin.

Dalawang daang benepisyaryo naman ang nabigyan ng mga libreng salamin sa mata at isang bagong mobile patrol unit ang inihandog sa kapulisan ng lungsod.

Namahagi rin ng 1,000 Philhealth cards, SSS Online at NBI-on-wheels services, mga kasanayan at libreng paglilingkod hatid ng TESDA at TLRC..

Kumpiyansa naman si Chairman Genuino sa patuloy na tagumpay ng programa ng Pangulo. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANG SERBISYO MUNA CARAVAN

BARANGAY BATASAN HILLS

BERNA ROMULO-PUYAT

CHAIRMAN EFRAIM GENUINO

CHAIRMAN GENUINO

CITY MAYOR IMELDA AGUILAR

DIRECTOR GEN

LAS PI

LILIA TOLENTINO

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with