Top grads ng LP, tumanggap ng regalo kay Congw. Villar
April 13, 2006 | 12:00am
Tatlumpung nangungunang estudyante mula sa mga eskwelahang elementarya hanggang kolehiyo ng Las Piñas ang nakinabang sa cash incentive reward program ni House Committee on Higher and Technical Education Chairman Congw. Cynthia Villar.
Nangunguna sa listahan ng mga student achievers ngayong taon sina Genalyn Villamucho, Rosalie Biason at Jeffrey Manansala na nagkamit ng pinakamataas na karangalan sa Dr. Filemon Aguilar Memorial College. Tumanggap ang bawat isa ng medalya at cash incentives mula kay Villar.
Nagsimulang ipatupad ni Villar ang naturang papremyo anim na taon na ang nakaraan bilang personal na regalo sa mga estudyanteng nagpunyagi sa kanilang pag-aaral. "Konting insentibo lang yan pero alam ko na marami rin ang nagnanais na makatanggap nito. Kumbaga, pandagdag-inspirasyon sa mga batang mag-aaral," pahayag ni Villar.
Ang parangal ay kumikilala rin sa tagumpay ng bawat estudyante sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng Sipag at Tiyaga.
Isinusulong din ni Congw. Villar ang pagkakaroon ng Science High School sa Las Piñas para sa kapakanan ng mga kapuspalad ngunit matatalinong mag-aaral sa kanyang distrito. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended