^

Bansa

Jailbreak sa Malaysia: 40 OFWs pumuga!

-
May 40 manggagawang Pinoy at 24 Indonesian ang umano’y pumuga sa isinagawang jailbreak sa loob ng immigration center sa Sabah, Malaysia noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinasabing nagsasagawa ngayon ng malawakang air and ground search ang mga awtoridad sa Kota Kinabalu upang maibalik sa kulungan ang 64 escapees.

Hindi tinukoy ni Wong Chong Fooi, deputy police chief sa Sabah, ang pangalan ng mga tumakas na pawang may kinakaharap na iba’t ibang kaso ng paglabag sa immigration law sa nasabing bansa.

Sinamantala umano ng mga preso ang pagkakaroon ng konting kaguluhan at noise barrage sa Menggatal temporary detention center noong Biyernes at tumakas sa pamamagitan ng pagsira sa perimeter fence at zinc wall na kanilang kulungan.

Natuklasan lamang ang pagtakas nitong Sabado makaraang mag-headcount. Nakatakda na sana ang deportation ng mga pumuga matapos ang ilang buwang pagkakakulong.

Kaugnay nito, inatasan na ni DFA Secretary Alberto Romulo ang mga opisyal ng ating embahada sa Malaysia na makipagtulungan sa mga awtoridad upang maibalik sa Pilipinas ang 40 OFWs sa oras na sila ay muling maaresto. (Mer Layson)

vuukle comment

BIYERNES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KAUGNAY

KOTA KINABALU

MENGGATAL

MER LAYSON

SABAH

SECRETARY ALBERTO ROMULO

WONG CHONG FOOI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with