Kamara sa Senado: Ipasa na ang 06 budget!
April 9, 2006 | 12:00am
Hinikayat ng mga lider sa Kamara ang mga senador na pagtuunan ng pansin ang pagpapatibay sa 2006 national budget, kaysa ituon ang oras at panahon sa pagsasagawa ng mga imbestigasyon.
Ayon kina House Deputy Majority Leader Antonio Cerilles at Davao Oriental Rep. Joel Mayo Almario, ang agarang pagpapatibay sa pambansang pondo ay makakatulong para lalo pang mapalakas ang ekonomiya at mawakasan ang kahirapan sa bansa, bukod pa sa pagbibigay ng trabaho, pagpapatayo ng mga silid-paaralan, ospital at iba pang serbisyong pangkalusugan, paglalagay ng mga irigasyon, kalsada at tulay at ang pagbibigay ng serbisyong panlipunan sa mamamayan.
Ipinagdiinan din nina Cerilles at Almario na ang pagpasa sa mahigit na P1 trilyong pondo ng pamahalaan ngayon taon ang wawasak sa mga haka-haka na magkakaroon ng paglipat ng pondo para tustusan ang isinusulong na pag-amyenda sa Konstitusyon.
Ayon pa kay Cerilles, dapat irespeto ng mga senador ang kapangyarihang hawak ng mga kongresista na italaga kung magkano ang dapat gastusin ng pamahalaan sa loob ng isang taon, alinsunod na rin sa itinatakda ng Saligang Batas.
Sinabi naman ni Almario na maari naman busisiin ng mga senador ang pinagtibay na bersyon ng mga kongresista upang makita kung may itinagong pondo para tustusan ang pagbabago sa sistema ng pamahalaan.
Naniniwala rin ang kongresista na hanggat hindi naaaprubahan ang 2006 budget, legal ang paggamit ng Malakanyang sa 2005 budget sa anumang programang gagawin nito, kabilang na ang pagbabago sa Saligang
Batas.
"In such event, anti Cha-cha will have no one to blame but the senators. They have to do their job of passing the bill now," ani Almario. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended