Summer jobs sa maralitang estudyante

Libu-libong mga mahihirap na estudyante ang binigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng kanilang summer job ngayong panahon ng bakasyon.

Ayon kay DOLE Secretary Danilo Cruz, ang naturang mga estudyante ay pansamantalang tinanggap ng iba’t ibang local government units at private firms sa buong bansa sa pakikipag-ugnayan na rin nila sa DOLE’s Special Program for Employment of Students (SPES) base na rin sa Republic Act No. 7323.

Nakasaad sa RA 7323 na ang gobyerno at private employers ay tutulong sa pagpapaaral sa mga mahihirap at nararapat na mga estudyante upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Idinagdag pa ni Cruz na malaki ang maitutulong ng SPES upang matugunan ang pangangailangang pinansyal ng mga mahihirap na estudyante lalo na pagdating ng araw ng pasukan sa Hunyo kung saan nangangailangan sila ng tuition fee. (Gemma Garcia)

Show comments