‘Likas Lunas sa Radio’

Sawa na ba kayo sa kaiinom ng gamot araw-araw? O wala nang pambili ng gamot kaya ito ay tinitipid na. Baka naman takot kayo sa maaaring maging komplikasyon sa patuloy na pag-inom ng gamot? Ang mga ganitong katanungan ay sasagutin ni Dr. Sonny Viloria, kilalang doktor sa medisina, sa kanyang programang "Likas Lunas sa Radio" na maririnig sa DWSS alas-8:30-9:00 gabi, Lunes-Biyernes. Layunin ng Likas Lunas na matugunan ang mga problema sa kalusugan sa praktikal, natural at ekonomikal na pamamaraan. May libreng seminar din na "Fasting as Cleansing" bukas, alas-8 ng umaga sa BiVitale Holistic Center, ground flr. CRB Bldg., 597 EDSA, Cubao, QC. Tumawag sa 4487625 o 0921-2608459.

Show comments