^

Bansa

Pondo ng homeowners ‘nilustay’ ng prexy

-
Dahil umano sa paglustay sa kanilang multi-million pondo, nakatakdang ipagharap ng kasong "syndicated estafa" sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa korte ang kasalukuyang pangulo ng United BF Homeowners Assocciation, Inc. (UBFHAI).

Ayon kay Antonio Antonio, chairman ng BF Reform Movement at dating pangulo ng association, marapat umanong sagutin sa NBI at sa korte ng kanilang kasalukuyang pangulo na si Celso Reyes kung saan napunta ang kanilang pondo. Nagkawindang-windang umano ang kanilang asosasyon mula ng pamunuan ni Reyes at ayaw na rin umanong bumaba sa kanyang puwesto dahil sinuspinde ang kanilang ‘annual elections’ na dapat sana’y isinagawa noong nakalipas na Pebrero. Natuklasan din umano ang pinakahuling kuwestyunableng transaksiyon ni Reyes kaugnay ng P2-milyong payment sa isang ‘legal representation’ nitong nakalipas na Marso 29, 2006.

Inihayag naman ni retired Col. Rolando Navarro, director ng UBFHAI na ang pinasok na problema at away ng kanilang pangulo ay mistulang laban ng mabuti at masama. "This is a fight against the good and the evil and we don’t want the evil to prevail," sabi ni Col. Navarro. (Mer Layson)

ANTONIO ANTONIO

AYON

CELSO REYES

DAHIL

HOMEOWNERS ASSOCCIATION

MER LAYSON

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REFORM MOVEMENT

REYES

ROLANDO NAVARRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with