^

Bansa

Motion to dismiss sa rebelyon ng Batasan 5, ibinasura ng DOJ

-
Ibinasura kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang isinampang mosyon na nagbabasura sa kasong rebelyon laban sa mahigit 50 katao kabilang ang tinaguriang "Batasan 5".

Sa 5-pahinang desisyon ng panel of prosecutors, hindi kinatigan ang inihaing "motion to dismiss" ng isang Vicente Ladlad ng National Democratic Front (NDF) mula sa kinakaharap nilang kasong rebelyon kabilang ang limang party-list congressmen na isinampa ng Philippine National Police (PNP).

Niliwanag ng DOJ na dapat ay counter affidavit ang inihain ng kampo ni Ladlad para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya at hindi mosyon na nagbabasura sa kaso. Base sa rules of court, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasampa ng motion to dismiss kapalit ng counter affidavit.

Inatasan si Ladlad na magsumite ng kanilang counter affidavit sa loob ng 5 araw o hindi lalagpas sa Abril 10.

Bukod dito, ibinasura rin ang inihaing motion for inhibition ng kampo ni Ladlad. Nilinaw ng prosekusyon na sila ay independent at objective sa paghawak sa nasabing kaso kaya wala silang nakikitang dahilan upang mag-inhibit sa kaso. (Ellen Fernando)

ABRIL

BATASAN

BUKOD

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELLEN FERNANDO

IBINASURA

LADLAD

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

VICENTE LADLAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with