^

Bansa

Garci kinasuhan!

-
Mahigit 30 taon sa kulungan ang malamang na pagdusahan ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano kapag napatunayang nagkasala ito sa batas hinggil sa ginawang pagsisinungaling at pamemeke ng pasaporte.

Ito’y matapos siyang sampahan kahapon ng 21 counts ng perjury, dalawang counts ng paglabag sa Passport Act at falsification of public documents sa Quezon City Prosecutors Office ng 16 kongresista mula sa oposisyon, isang linggo matapos naman siyang kasuhan sa korte ni Sen. Panfilo Lacson at tatlo pang opposition congressmen sa parehong kaso.

Sa 19-pahinang complaint affidavit na isinampa ng 16 solons sa pangunguna ni Cavite Rep. Gilbert Remulla, inakusahan ng mga ito si Garcillano na nagsinungaling nang ihayag nito sa isang Congressional hearing na hindi siya lumabas ng bansa noong kasagsagan ng kontrobersiyal na Hello Garci tape.

Pero ayon kay Remula, nagtungo ng Singapore si Garcillano noong Hulyo 2005 upang makaiwas sa imbestigasyon ng Kongreso.

Para patunayan na hindi siya umalis ng Pilipinas, iprinisinta ni Garcillano ang dalawang pasaporte na wala pang tatak ng departure o arrival.

Subalit sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na isa sa pasaporteng isinumite ni Garcillano ay peke.

Ang kontrobersiyal na CD na pinarinig sa committee hearing ay sinasabing produkto ng wiretapped conversation sa pagitan ni Garcillano at Pangulong Arroyo patungkol sa umano’y dayaan noong nagdaang presidential elections.

Para sa isang count nang paglabag sa Passport Act, maaaring makulong si Garcillano ng mula 6-15 taon. Dahil two counts ang isinampa, maaaring makulong ang dating komisyuner ng hanggang 30 taon kapag napatunayang nagkasala.

Samantala ang kasong perjury naman o pagsisinungaling ay may parusang "arreto mayor" o pagkakulong ng mula isang araw hanggang 30 araw, habang ang falsification of public documents ay may jail term na mula isang buwan hanggang anim na buwan.

Kasama sa reklamo ng mga ito ang kopya ng isang note verbale mula sa pamahalaan ng Singapore na nagpapatunay na si Garcillano ay nagtungo sa kanilang bansa at isang sertipikasyon sa BSP na ang passport ni Garci ay pineke. (Angie Dela Cruz at Malou Escudero)

ANGIE DELA CRUZ

BANGKO SENTRAL

CAVITE REP

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

GARCILLANO

GILBERT REMULLA

HELLO GARCI

ISANG

MALOU ESCUDERO

PASSPORT ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with