Ayon sa Pangulo, gaya ng kanyang nakagawian ay isang simpleng selebrasyon lamang ang kanyang kaarawan kung saan ay magkakaroon ng misa kasama ang kanyang pamilya, miyembro ng Gabinete at malalapit na kaibigian.
Sinabi pa ng chief executive sa isang ambush interview na pag-iisipan pa niya ang kanyang "birthday wish" para sa taong ito.
Ayon naman kay Executive Secretary Eduardo Ermita, ang hangad niya para sa Pangulo sa kaarawan nito ay magkaroon ng mabuting kalusugan, mapayapang kaisipan at maitaguyod ang lahat nitong adhikain para sa pamahalaan at para sa bansa. (Lilia Tolentino)