10% ng Pinoy kids nakakaligtas sa cancer
April 4, 2006 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni Sen. Pia Cayetano na 10% lang ng mga batang Pinoy ang nakakaligtas sa sakit na cancer kung saan 100,000 kabataan ang namamatay sa buong mundo bawat taon.
Sinabi ni Sen. Cayetano, chair ng senate committee on Health and Demography, madaling makaligtas ang mga kabataang maysakit kung naagapan agad at nalalapatan ng tamang lunas.
"With proper information, early detection and appropriate treatment, cancer can be beaten. The lives of Filipino children stricken with cancer can be saved with early detection and proper treatment", wika pa ni Cayetano.
Sa talaan ng International Agency for Research on Cancer (IARC) 100,000 kabataan ang namamatay bawat taon, o 274 kabataan ang nasasawi kada araw, habang sa istatistika naman ng Philippine Cancer Society at Cancer Warriors Foundation Inc., aabot mula 3,500 kabataang Pinoy ang apektado nito kung saan 10% lang ang nakakaligtas.
Batay pa rin sa kanilang istatistika, 80% ng mga batang may cancer ay mula sa mga mahihirap na bansa kung saan walang kakayahan ang pamilya na matugunan ang kanilang pangangailangan kung saan una sa talaan ang leukemia, lympphoma, at brain ang spinal cancer.
Tinatayang gagastos mula P5,000 hanggang P10,000 ang chemotherapy session sa cancer at kailangan ang 12 sesyon bago ganap na gumaling ang maysakit.
Idinagdag pa ni Cayetano, na ang buwan ng Abril ay tinawag na "Cancer in Children Awareness Month" at dapat na makipagtulungan din ang private sectors para maiwasan ang nabanggit na sakit at makapagbigay ng mga mahahalagang impormasyon hinggil dito.
"Everyone should help in raising awareness on the need for early diagnosis of childhood cancer and improving the access of Filipino families, especially the poor, to cancer treatment", hiling ni Cayetano. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest