^

Bansa

Customs binira sa 168 Mall raid

-
Hiniling kahapon ni Sen. Sergio Osmeña III sa Bureau of Customs (BOC) na ang mga bigtime smugglers ang habulin ng mga ito at hindi ang maliliit na retailers katulad ng mga sinalakay nitong tiangge sa 168 Mall kamakailan.

Sinabi ni Sen. Osmeña, "barking at the wrong tree" ang BOC ng salakayin nito ang mga lehitimong stall owners sa 168 Mall na ang tanging kasalanan ay bumili ng kanilang paninda na walang resibo.

Ayon kay Osmeña, ang dapat na bigyang prayoridad ni BOC Commissioner Napoleon Morales ay ang smuggling operations sa Subic Freeport sa Zambales, Clark sa Angeles City at Batangas City Port.

"Don’t raid retailers but the bringers of smuggled goods in container vans. They are there in Subic, Clark and Batangas Ports," wika ng senador.

Idinagdag pa ni Osmeña, madalas ang mga lehitimong retailers ay namimili ng kanilang paninda sa mga kilalang importers na kadalasan ay walang kaukulang resibo dahil ito ang kanilang nakagawian sa Divisoria.

Sinalakay ng BOC at PDEA ang 168 Mall sa Divisoria, Maynila dahil na rin sa reklamo kay Pangulong Arroyo ng Philippine Retailers Association dahil sa bagsak-presyo na mga paninda sa 168 Mall na lubhang nakakaapekto sa kanilang negosyo. (Rudy Andal)

ANGELES CITY

BATANGAS CITY PORT

BUREAU OF CUSTOMS

CLARK AND BATANGAS PORTS

COMMISSIONER NAPOLEON MORALES

DIVISORIA

OSME

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE RETAILERS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with